Add parallel Print Page Options

16 At hinipan ni Joab ang pakakak, at ang bayan ay bumalik na mula sa paghabol sa Israel: sapagka't pinigil ni Joab ang bayan.

17 At kanilang kinuha si Absalom at inihagis nila siya sa malaking hukay sa gubat, at (A)tinabunan siya ng isang malaking bunton ng bato: at ang buong Israel ay (B)tumakas bawa't isa sa kaniyang tolda.

18 Si Absalom nga sa kaniyang kabuhayan ay nagpasiya at nagtayo sa ganang kaniya ng (C)haligi, na pinaka alaala, na nasa (D)libis ng hari: sapagka't kaniyang sinasabi, (E)Wala akong anak na magiingat ng alaala ng aking pangalan: at kaniyang tinawag ang haligi ng ayon sa kaniyang sariling pangalan: at tinawag na monumento ni Absalom, hanggang sa araw na ito.

Read full chapter